Ang pag guho ng lupa sa lugar ng Itugon,Benguet.

Bawat taon ay may halos isang daang dumaang bagyo sa pilipinas. Maramng tao ang nawalanng buhay at nawalan ng pamilya. Ang pangyayaring ito ay bumalik nanaman ngayong taon. Noong september 14, 2018, dumating sa pilipinas ang bagyo na kung tawagin ay bagyong Ompong.

Ang bagyong Ompong ang pinakalakas na bagyo ngayong 2018. Sa kasamaang palad maraming tao ang nawalan ng buhay. Dahil sa lakas ng bagyo gumuho ang lupa sa lugar ng itugon,Benguet. Maraming tao ang na apektohan ng bagyo at marami rin ang nawalan ng buhay sa pamamagitan ng pag guho ng lupa. Ayon sa balita sinabihan nang gobyerno ang mga tao salugar ng itugon na pumanta sa evacuation center, maraming tao ang hind naniniwala sa kaila kaya noong nag simula ang bagyong ompong, gumuho ang lupa sa naturang lugar. Makalipas ang isang linggo mahigit walong pong tao pataas ang nakuhang bankay sa mismong lugar na naganap.

Maraming tao ang nawalan ng pamilya at maraming nag hahanap sa kanilang mahal sa buhay na hindi pa natagpuan. Sa mga nangyayayari ngayon nararapat lang na iwasan ang mga gawain na posibling maging sanhi ng bagyo. Alam naman natin na hindi natin mahahadlangan ang pangyayari ito dapat tayo’y maging alisto sa lahat na magiging  mangyayari. Tandaan, Ligtas ang may alam, kaya magiging alerto!

 

 

-Shaina Marie Dangazo

 

Published by

andrealynlyn

God give us real EYES, to realized real LIES

Leave a comment